Ikaw, ako, tayo ang bumubuo sa lipunang humuhubog sa ating sarili, sa ating pagkatao, at sa ating buhay. Ito ay binubuo ng mga iba’t ibang institusyong may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa pagtaguyod ng ating bansa. May pamilyang nagsisilbing ating sanktwaryo, may pamahalaang nagbibigay direksyon sa ating bansa, may ekonomiyang sumusustento sa ating pamumuhay, at may relihiyong gumagabay sa atin tungo sa tamang landas. Lahat ng ito’y may layuning maitaguyod ang ating buhay. At kung ating lilimiin, lahat tayo, bilang bahagi ng ating lipunan, ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan sa bawat isa. Kay sarap isiping ikaw, ako, tayo ay magkakaugnay sa lipunang ating ginagalawan. Masasabi kong ako ay mistulang nasa alapaap sa ganitong ideyalismo.
Subalit ang katotohanan ay siyang gumigising sa aking balintataw. Marahil ang nais kong paniwalaa’y isang panaginip na unti-unting maghahatid sa akin tungo sa bangungot ng katotohanan. Tunay ngang ang lipunan ay sumasalamin sa iba’t ibang mukha ng buhay. Isang lipunang prudukto ng katotohanan at hindi ng kathang-isip lamang. Dito natin mapagtatanto na ang lipunang ating ginagalawan ay isang masukal na kagubatang may sariling batas na kadalasa’y umaayon sa mga kagustuhan ng mga taong ganid sa salapi at kapangyarihan. Ito ay ang lipunan ng katotohanan na nagbibigay imahe sa iba’t-ibang mukha ng ating buhay.
Ikaw, paano mo mailalarawan ang mukha ng iyong buhay? Marahil ay nakalalasap ka ng kaginhawaan sa buhay – kaginhawaang karapatdapat mong makamit dahil sa iyong pakikibaka sa hamon ng buhay, kaginhawaang pinaghirapan mo sa mahabang panahong pagbabanat ng buto, kaginhawaang inaasam-asam ng bawat tao sa ating bansa. Sa tulong marahil ng ilang institusyong patuloy mong pinaniniwalaan, ang buhay mo ay nananatiling marangya at matagumpay. Ikaw ay nakakakain ng tatlo o higit pang beses sa isang araw, nakapagsusuot ng mga magagarang damit, may magandang bahay na inuuwian matapos ng maghapong pagpapagal para sa kinabukasan. Ikaw marahil ay isang ehemplo ng maaliwalas na mukha ng buhay sa ating lipunan.
Subalit, batid mo bang sa kabila ng iyong tagumpay ay may mga taong unti-unting kinikitil ng pagdarahop at kawalan ng pag-asa? Batid mo bang may mga taong isang beses lamang kumain sa loob ng ilang araw, nababalutan ng animo’y basahang nagsisilbing proteksyon sa init at lamig, walang tahanang mauuwian – palaboy-laboy sa lansangan? Sila ang mga taong biktima ng kapalpakan ng ilang mga institutusyong pinaniniwalaan mong huhubog sa matiwasay na kinabukasan. Sila ang mga taong tunay na imahe ng ating lipunan, ng ating bansa. Sa kanila nakakintal ang bahagi ng kasaysayan ng ating kasarinlan. Ngayon, kung ikaw ay isa sa mga bumubuo ng ating lipunan, masasabi mo bang ikaw ay lubos na matagumpay?
Oo, batid ko ang lahat ng ito dahil sa aking pakikipagsapalaran sa buhay! Minsan ko ng naranasan ang buhay na matiwasay. At minsan ko ng pinaniwalaan ang iyong paniniwala na may mga institusyon pa rin na pilit na humuhulma sa buhay na matagumpay. Datapwat, ako ay nadapa sa hangaring maabot ko ang aking tagumpay. At ang sugat na sanhi nito ang siyang nagparamdam sa akin ng hapdi ng panaghoy ng mga taong nagmistulang aking hagdanan tungo sa rurok ng tagumpay. Dito ko nakita ang aking sariling nakalugmok sa isang tabi, wari’y ‘di alam ang gagawin. Titiisin ko na lang bang makita ang kanilang hinagpis o pakikinggan ko ang salimuot ng kanilang hinaing? Ang pagkakataong ‘yon ay tila isang tanikalang gumapos sa aking mga paa na siyang humahawi sa aking pagpupumiglas upang masilayan ang minimithing pangarap. Kasabay nito ang mga katanungang pumukaw sa aking isipan, “Nasaan na ang pamilyang nagsisilbing sanktwaryo ng bawat isa? Nasaan na ang pamahalaang nagbibigay direksyon sa ating bansa? Nasaan na ang ekonomiyang sumusustento sa ating pamumuhay? At nasaan na ang relihiyong…?” Bago ko pa maibulalas ang mga huling kataga, napagtanto kong ako pala ay parte ng mga institusyong ito. Pumaimbabaw sa aking gunita ang mga mabubuting salita na nagmumula sa relihiyong nagsilbing daan upang mas makilala ko ang May Likha. Ako ay miyembro ng isang pamilya, mamamayang bumabalangkas sa ating pamahalaan, manggagawa sa ating ekonomiya, at higit sa lahat ay isang anak ng Diyos. Kaya ang namutawi na lamang sa aking mga labi ay ang tanong na nagbigay-daan upang lubos kong maintindihan ang daloy ng buhay: “Nasaan na ako?” Malayu-layo na rin ang aking narating, ngunit malayo pa rin ang dapat tahakin. Sa aking paglalakbay, ako ba ay naging matagumpay?
Tayo na naniniwala sa kapalpakan ng mga institusyong bumubuo sa ating lipunan ay ang mismong bumubuo sa mga ito. Tayo na may pinapasang krus sa buhay ay nagsisilbing krus na pasanin sa buhay ng ibang tao. Tayo ang dahilan sa bahong umaalingasaw sa ating lipunan. Samakatuwid, tayo ang titistis sa kanser ng lipunan na dulot ng kawalang-malasakit sa isa’t isa. Sa puntong ito, tayo nang mamuhay upang magbigay buhay sa ibang tao sapagkat lahat tayo ay may maituturing na responsibilidad na maitaguyod ang pamumuhay ng bawat isa. Ngayon, sa tulong ng mga institusyong dapat nating paniwalaan at ng ating sariling nagsisilbing pinakamahalagang institusyong kaloob ng Diyos; ikaw, ako, tayo ang sabay-sabay na guguhit ng masagana, maaliwalas, at matagumpay na mukha ng ating buhay.